top of page
Search
  • Writer's picturePaolo Rafer

Sama ka! Sa Parola Island (Lakbay Sanaysay)


Abril 19, 2019 ng umuwi dito sa aming probinsiya ang aking mga kapatid na taga-Cavite, sa eksaktong araw din na iyon ay naganap ang isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari sa aking buhay, ang aming pagpunta sa isa sa mga itinuturing na birheng isla sa probinsiya ng Camarines Norte ang isla na pinangalanang Parola.

Umaga palang ay naghahanda na ang bawat isa, nagising nalang ako sa mahinang tapik ng aking ina, nagsasabing mag handa na raw ako dahil malapit na kaming umalis at kapag hindi pa ako kumilos ay maaari akong maiwan, kaagad naman akong tumungo sa aming lababo upang makapaghilamos at makapagsipilyo pagkatapos ay kumuha ako ng mga damit na pampalit na aking babaonin sa aming pupuntahan. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay handa na ang lahat kung kaya’t umalis na kami patungong Mambulao Port sa bayan ng Panganiban dahil sabi samin ng nagrekomenda ay doon daw naghihintay ng mga bangkang naghahatid papunta sa aming islang pupuntahan. Matapos makipag-ugnayan ang aking ama at aking kapatid sa Municipals Office ay naghihintay nalang kami ng bangkang masasakyan. Makalipas ang dalawangpong minuto ay nakarating na rin ang bangka. Sa aking naaalala ay maluwag ang bangka, kasya ang 40 na katao, kahit kami ay binubuo lamang ng 16 na miyembro ay umalis din kami kaagad. Habang naglalayag ay amoy na amoy na ang simoy ng karagatan, halos magkanda basa-basa kami sa lakas ng


tilamsik ng mga alon, damang-dama rin ang simoy ng sariwang hangin na animoy nasa itaas ka ng isang bundok, kapag tumingin ka naaman sa ibaba ay makikita mo ang kulay Kristal na kulay ng tubig , kasabay ng pag-andar ng aming sinasakyang bangka ay ang paglangoy ng maliliit na isda. Makalipas ang isang oras na paglalayag nakikita ko na isang maliit na isala na sa gitna ay maraming maliliit na puno ng niyog. Tuluyan na kaming nakababa at pumunta sa lugar na may lilim at naglatag ng isang sapin na maaari naming maupuan. Ngayon na nauunawaan ko na kung bakit ito tinawag na birheng isla, makikita sa islang ito ang kakaibang kulay ng buhangin, pinaghalong puti at pula na nakabubuo ng kulay rosas na totoong napakagandandang tingnan, malinis pati na rin ang maliit na kagubatan sa loob ng isla, maayos na nakahanay ang puno ng niyog. Hindi muna ako naligo dahil sobrang tirik ang araw, ayokong masunog ang aking balat J. Pagkatap


os ng pagpapalilim ay nagahanda na ako upang makisabay sa kanilang paglalangoy. Malalasahan mo ang alat ng tubig at mararamdaman mo ang sarap ng tubig sa karagatan. Pagtapos naming magsayang maligo ay kumuha kami ng mga litratong magsisibing alaala namin sa lugar na iyon. Sa oras na ika-lima ng hapon ay dumating din ang aming bangkang sasakyan pabalik, mukang lahat kami ay napagod dahil karamihan ay nakatulog sa biyahe. Pagdating sa Port ay sumakay na kami sa mga sasakyang aming dala-dala. Sa awa ng diyos ay maayos kaming nakapunta at nakabalik sa lugar na aming pinuntahan.

Para sa akin napakahalaga ng pagbibigay ng oras sa pamilya, dahil nagkakaroon tayo ng matatag na samahan at nakapagbabahagi tayo sa isa’t isa ng masasaya at hindi malilimutang mga alaala, magandang gawin din ito sa mga lugar na kung saan payapa, maganda at tatatak sa ating mga puso’t isipan katulad nalang ng isla ng Parola.



93 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page