top of page
Search
  • Writer's picturePaolo Rafer

Political Dynasty: Pangalan at Kapangyarihan (Tekstong Argumentatibo)


Ang political dynasty ay tumutukoy sa mana-mana o salin lahing pag-upo sa ibat ibang posisyon sa gobyerno ng mga indibiduwal sa loob lamang isang pamilya. Mahalagang talakayin ang isyung ito dahil nakaaapekto ito sa karamihan ng mga Pilipino sapagkat ang sino mang namumuno at kasalukuyang nakaupo at maykapangyarihan at may malakas na impluwensiya sa mga tao ang siyang magdidikta ng iyong kapalaralan, bawat desisyon na kanilang ginawa at gagawin ay may epekto sa iyo, kung kayat mahalagang hindi lamang tayo tumingin sa kung ano ang ngalan ng isang kandidato sa balota bagkus ang kakayahan at ang kagustuhan nitong magsilbi para sa gobyerno tungo sa ikauunlad ng bansa at mga mamamayan nito.

Ayon sa datos na nanggaling sa ANC news, 94 na bahagdan ng lahat ng mga probinsiya sa bansa ay mayroong kaniya-kaniyang dinastiya, mula sa mga maliit na posisyong pang municipal hanggang sa pinakamatataas na posisyon sa probinsiya, ang Political Dynasty din ay hindi lamang nagaganap sa mga mga pang gobyernong posisyon sa ibat ibang mga rural na lugar sa Pilipinas, nangyayari din ito maging sa mga pinakamatataas na posisiyon ng bansa, sa katunayan sa nakalipas na halalan para sa pagkapangulo nitong ika-Siyam ng Mayo taong 2016, isa sa mga naging kandito ay si dating pangalawang pangulong si Jejomar Binay, isa ang kanilang pamilya na kilala pagdating sa dinastiyang politikal na tinatalakay, mula sa kaniyang asawa na si Elenita Binay na naglingkod bilang Mayor ng Makati taong 1998-2001, anak na si Nancy Binay na senador taong 2013 hanggang kasalukuyan, anak na si Abby Binay na dating nakaupo bilang Congresswoman ng Makati at kasalukuyang mayor ng lungsod, at bunsong anak na si Jun Jun Binay Jr. na naging mayor ng Makati. Sa nakalipas na ilang dekadang pamumuno ng mga Binay sa lungsod ng Makati ay mas lalong lumawak ang kanilang impluwensiya, ang negatibong epekto nito ay hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang iba pang mga mamayan ng lungsod na maaaring mayroong mas magandang palataporma upang mas umunlad at mapanatili ang kaunlaran ng lungsod, isa din sa mga naging epekto ng impluwensiya ng mga Binay dulot ng Political Dynasty ay ang pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan, patunay dito ang nangyari noong Nobyembre 13, 2013 kung saan ipinahuli ng nooy kasalukuyang Junjun Binay ang tatlong security guards ng hindi ito madaliang pinapasok sa isang Village sa Dasmarinas Cavite, na malinaw na pagpapakita ng pangaabuso ng kapangyarihan, sabi pa niya “Don’t you know me?”

Isa rin sa mga hindi magandang maidudulot ng Dinastiyang Politikal sa bansa ay ang kawalang kaunlaran ayon sa ulat at pagaaral na isinagawa ng Rappler, siyam sa sampong pinakamahihirap na probinsiya ng bansa ay pinamamahalaan ng mga taong nasa isang Politikal Dynasty, ilan sa mga halimbawang probinsiya ay ang mga sumusunod, Lanao Del Sur sa pamumuno ng pamilya ng mga Mangudadato, Apayao sa pamumuno ng pamilya Balut, Davao Oriental sa pamumuno ng pamilya Armarino at Magindanao na sa ngayon ay paatuloy parin naghihirap ang mga mamamayan dahil sa kawalang kaauyusan ng palataporma at pamumuno ng pamilya Amapatuan, sa katunayan ang pamilya Ampatuan at ang lahat ng sangkot sa isa sa mga masalimuot at karumaldumal na pagpatay na naganap sa bansa ay pinatawan na ng hatol ng hukuman ng Guilty verdict, dahil sa mga sapat na ebidensiya at mga testemoniya, ang karumaldumal na krimen na ito ay nagpapakita ng pagiging makapangyarihan ng mga Ampatuan na nakuha nila sa ilang taong pamumuno sa lungsod ng Maguindanao dulot ng Polical Dynasty, ang ganitong krimen ay posible lang maisagawa kung mayroon kang malawak na impluwensiya at kapangyarihan ipinakita ng mga Amapatuan ang kanilang pagiging ganid at pagabuso nito.

Ang Political Dynasty ay malinaw na walang magandang dulot na mabuti sa ating bansa dahil sa ibat ibang sirkumstansiya kung ating titiningnan at ibabatay sa mga nakuhang mga ebidensiya ay may malaking epekto para sa mga mamamayang Pilipino, liban pa dito ay nagpapakita din ng pangaabuso ng kapangyarihan ang ilan sa mga dinastiyang nabanggit, ang patuloy na kahirapan ay isa rin na dulot ng dinastiyang politikal dahil sa malawakang impluwensiya at kapangyarihan ay malaki ang tiyansa na magkaroon ng katiwalian, kung kaya’t ang dinastiyang politikal ay walang dulot na maganda para sa bansa at mga mamamayan nito, dahil imbes na maglingkod ang nahalal sa gobyerno sa mga mamamayan ay tila nagiging monarikiya ang bansa at sila ang pinaglilingkoran ng mamamayan nito.


8 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page